Pagtatanaw
Sa bawat pagpatak ng segundo
Ay hinaharap ang buhay na hindi sigurado
Kay daming bagay sa isip tumatakbo
Kakayanin ba hanggang dulo?
Sa murang edad ay sinusubok na nang husto ng panahon
Kaya't kay aga ring nagpupumilit na pauli-ulit na umahon
Kung sana'y mga problema ay katulad lang ng ambon
Pagkatapos umulan ay parang walang pinagdaanan na malaking hamon
Ngunit iyong tingnan ang sarili sa salamin
Hanggang saan ka dinala ng iyong mga suliranin?
Kahit simpleng buwan ay kaya kang pangitiin
At ang amoy ng dagat ay alam na alam kung paano ka pakalmahin
Kagustuhang sumuko ay mas nais mo pa bang pairalin?
Comments
Post a Comment
Thank you so much for reading my blog.