Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2017

Unang Undas na Ika'y Kasama

                Unang Undas Na Ika'y Kasama Ako ay dahan-dahang naglalakad Sa takot na may biglang kumaladkad Napapalibutan ng mga bangkay Na baka'y tatayo mula sa kanilang hukay Ngunit nang ikaw ay nakita Lahat ng takot ay nawala sinta Umupo nang mayroong saya At inilapag ng maayos ang aking mga dala. Biglang sumagi sa isipan Kung saan nagmula ang ating pagmamahalan Sa loob ng apat na sulok na silid-aralan Nagsimula ang ating pag-iibigan Ikaw ay naiiba sa klase Natatangi sa dalawampu't apat na lalaki Dahil sa iyong ugaling kawili-wili Ako'y nabihag pati na rin sa iyong mga ngiti Katamtaman lamang ang iyong taglay na kisig Ngunit ang iyong mga tawa'y pawang musika saking pandinig Ang iyong mga gusto'y ginawa ko ng hilig Mapansin mo lamang ang aking pag-ibig Minu-minuto'y umaagaw ng tingin sa'yo Natataranta sa tuwing ako'y nahuhuli mo Nabasa mo kaya ang ibig sabihin ng mga titig ko? Ako'y natatakot na lulubayan mo ...